Form Center

By signing in or creating an account, some fields will auto-populate with your information and your submitted forms will be saved and accessible to you.

Tagalog - Internal Affairs Report Form

  1. Papel ng Impormasyon Tungkol sa Reklamo ng Mamamayan

    Ang mga miyembro ng (Summit Police Department) ay nakalaang magkaloob ng mga serbisyong pagpapatupad ng batas na patas, mabisa, at walang-pinapanigan. Makakabuti sa lahat na ang iyong reklamo tungkol sa pagganap ng isang indibidwal na opisyal ay malutas nang patas at mabilis. Ang Kagawaran ng Pulisya ay may mga pormal na pamamaraan para sa pag-imbestiga sa iyong reklamo. Ang mga pamamaraang ito ay idinisenyo upang matiyak ang pagiging patas at protektahan ang mga karapatan ng pareho ng mga mamamayan at mga opisyal na nagpapatupad ng batas:

    1. Ang mga Ulat o Reklamo tungkol sa maling pagkilos ng opisyal/empleyado ay dapat tanggapin mula sa sinumang tao, kabilang ang mga hindi kilalang pinanggalingan, sa anumang oras.
    2. Ang mga reklamo ay dapat tanggapin anuman ang edad, lahi, etnisidad relihiyon, kasarian, oryentasyong sekswal, kapansanan o katayuang pang-imigrasyon ng nagrereklamong partido.
    3.  Ang iyong reklamo ay ipadadala sa isang nakatataas na opisyal o isang espesyal na sinanay na opisyal sa mga gawaing panloob na magsasagawa ng isang masusing obhetibong imbestigasyon.
    4. Ikaw ay maaaring patulungin sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang detalyadong pahayag tungkol sa nangyari o pagkakaloob ng ibang mahahalagang impormasyon o dokumento.
    5. Lahat ng reklamo laban sa mga opisyal ng pagpapatupad ng batas ay masusing iniimbistigahan. Ikaw ay patuloy na bibigyan ng impormasyon tungkol sa katayuan ng imbestigasyon at sa pinal na resulta, kung hiniling, at kung nagbigay ka ng impormasyon tungkol sa matatawagan.  Ang eksaktong disiplina na ipinapataw ay kompidensiyal, pero ikaw ay sasabihan ng huling pasiya, na tulad ng mga sumusunod: 

      a. Napatibayan: Ang nangingibabaw na ebidensiya ay nagpapakita na ang isang opisyal ay lumabag sa isang batas; regulasyon; direktiba, gabay, patakaran, pamamaraan na inisyu ng Pangkalahatang Abugado o Tagausig ng County; protokol ng ahensiya; kasalukuyang pamamaraan ng pagpapatakbo; tuntunin; o pagsasanay. 

      b. Walang batayan: Ang nangingibabaw na ebidensiya ay nagpapakita na ang ibinibintang na maling pagkilos ay hindi nangyari.
       
      c. Napawalang-sala: Ang nangingibabaw na ebidensiya ay nagpapakita na ang ibinibintang na pagkilos ay tunay na nangyari, pero hindi lumabag sa isang batas; regulasyon; direktiba, gabay, patakaran, pamamaraan na inisyu ng Pangkalahatang Abugado o Tagausig ng County; protokol ng ahensiya; kasalukuyang pamamaraan ng pagpapatakbo; tuntunin; o pagsasanay.
       
      d. Hindi napatibayan: Ang imbestigasyon ay nabigong maglantad ng sapat na ebidensiya upang malinaw na patunayan o hindi patunayan ang bintang.

    6. Kung ang aming imbestigasyon ay nagpakita na ang isang krimen ay maaaring ginawa, ang tagausig ng county ay bibigyan ng paunawa. Ikaw ay maaaring patestiguhin sa korte.
    7. Kung ang aming imbestigasyon ay nagresulta sa pagsasakdal sa isang opisyal dahil sa paglabag sa mga tuntunin ng kagawaran, ikaw ay maaaring patestiguhin sa isang pagdinig na pangkagawaran.
    8. Kung ang aming imbestigasyon ay nagpakita na ang reklamo ay walang batayan o na ang opisyal ay umakto nang wasto, ang bagay ay sasarhan.
    9. Ang mga imbestigasyon ng mga gawaing panloob ay kompidensiyal at lahat ng pagdinig na pandisiplina ay dapat sarado sa publiko maliban kung ang nasasakdal na opisyal ay humiling ng isang bukas na pandinig.
    10. Maaari mong tawagan ang (Captain Ryan Peters) sa (908-277-9380) para sa anumang karagdagang impormasyon o anumang mga tanong tungkol sa kaso.
  2. Summit Police Department

    Internal Affairs Complaint/Reportable Incident Report

  3. Complaint classification
  4. Complainant

  5. Incident

  6. How was this reported? (Citizen and/or anonymous complaints only)
  7. Nature of complaint (check all that apply)
  8. Complaint made against:
  9. Leave This Blank:

  10. This field is not part of the form submission.